Tuesday, May 23, 2017

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo youngest to be crowned Box Office King & Queen

by Melba Llanera posted on May 23, 2017

Inamin ng teen idol na si Daniel Padilla na kinabahan siya nang husto habang hinihintay ang announcement of winners sa gabi ng parangal ng 48th Guillermo Mendoza Memorial Foundation Box Office Entertainment Awards.

Hindi pa niya alam na sila ng ka-love team na si Kathryn Bernardo ang mag-uuwi ng trophy bilang Box Office King and Queen para sa tinamong tagumpay ng pelikula nila na Barcelona: A Love Untold.

Lahad nga niya, “Grabe nung time na yun, nung gabing yun sobrang kabado ako.

“Sobrang kinakabahan ako kasi napakalaking honor na ibigay sa amin ni Kathryn ang Box Office King and Queen.”

Masayang-masaya si Daniel lalo pa’t sila ang pinakabatang recipients ng naturang parangal.

“Lahat 'yan ibabalik ko sa mga fans, sila ang may gawa,” pangako niya.

“And very thankful kami sa mga fans namin, sobra nila kaming mahal.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktor sa Star Magic 25th anniversary presentation ng ASAP na ginanap noong May 21 sa Smart Araneta Coliseum.   


LEVELLING UP. Malapit na ring mapanood sa ere ang fantary series na La Luna Sangre, ang reunion project ng KathNiel sa telebisyon.

Pagbabahagi ni Daniel, “Magsisimula na kami ni Kathryn mag-taping.

“And very excited din kami na makilala nila ang cast ng La Luna Sangre.

“I’m sure talagang ikatutuwa nila, mahirap pero it’s worth it.

“Excited na kaming magpakita ng bago ni Kathryn and abangan nila uli kami sa primetime.

“Siyempre di naman maiiwasan pero siyempre kailangang gagalingan na lang natin.

“Kailangan every project level up, galingan na lang natin.”
   
Sa kabilang dako, si Kathryn na mismo ang nag-deny sa balitang isa siya sa pinagpipilian na gumanap sa remake ng Darna.

Gayunpaman, masaya pa rin daw si Daniel para sa kapareha.

Saad niya, “Di ko alam, pero kung ikino-consider napakalaking honor.

“Siyempre legendary, iconic na ang Darna, para i-offer kay Kathryn, magpasalamat na lang din.”

Pero kung totoo ang balita at mapili nga si Kathryn, hindi maiiwasan na suotin niya ang sexy outfit ni Darna.

Okay lang ba ito kay Daniel?

“Ganun ba yun? Baka bago na, di ko alam,” tugon niya.
    
Ibinalita rin ng aktor na may pinaplano uli siyang concert, “Yes, mayroon, this year.”


INSPIRED. Ikinatuwa rin ng mga tagahanga ng KathNiel na consistent pa rin ang mga idols nila sa pagsasabing masaya at kuntento sila sa tinatakbo ng relasyon nila.

Nasabi kasi ni Daniel noon sa press con ng hit movie nila na Can’t Help Falling In Love na “very inspired” silang dalawa ni Kathryn.

“Very chill lang naman kami, relax kami, masayang-masaya kami,” lahad ng ABS-CBN actor.

“Masaya kami sa ginagawa namin, very inspired kaming dalawa.
“Ine-enjoy na lang namin itong trabaho namin bilang artista.”

not mine.credit and source: PEP

No comments:

Post a Comment