Ikaw at Ako
Nagkasalubong
Nahumaling sa'yo
O, panaginip ba ito?
Dalawa tayo
Laban sa mundo
Sa mundong magulo
Oras ko'y humihinto
Ayaw nang lumayo
Pa sa piling mo
Sayo ako'y buong buong-buo
Ako at ikaw
Ako ba'y yong natatanaw?
Ikaw ba'y dumudungaw?
Ikaw ba'y nalulusaw?
Dalawang araw
Oras na'y gumagalaw
Kailan ba dadalaw?
Sa pusong mapanglaw
Ayaw nang lumayo
Pa sa piling mo
Sayo ako'y gulung-gulo
Ayaw nang lumayo
Pa sa piling mo
Sayo ako'y buong buong-buo
No comments:
Post a Comment